![]() Bagaman hindi isang pangunahing aklat na pangkasaysayan, nagbubunyag ang Bibliya ng mga kalinangan at mga kaganapan sa kasaysayan na nakaapekto sa Jerusalem, ang tinaguriang Banal na Lupain, mula sa ikatlong milenyo bago dumating si Hesukristo magpahanggang sa pagkawasak ng Jerusalem noong 70 A.D. Sa gitna ng Luma at Bagong mga Tipan, nagsasalaysay ng kasaysayan at mga diwa ang Apokripa. Tinatalakay naman sa Bagong Tipan ang "katuparan" ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng katauhan at mensahe ni Hesus. Isang tala ng isang "sinaunang pangako" ng Diyos sa Israel o mga Hudyo ang Lumang Tipan. Isang aklat ng sarisaring mga bagay ang Bibliya na kinalalagakan ng Lumang Tipan, Bagong Tipan, at Apokripa. ![]() Bagaman isinulat lamang ito ng mga tao, itinuturing din itong "mismong salita ng Diyos." Inilalarawan ang Bibliya bilang isang napakalaking aklat, naglalaman ng ilang maituturing na mga nakalilitong mga pananalita, may mga gawing pambihira ang mga tauhan ng Bibliya kung ihahambing sa mga gawi ng mga mamamayang nabubuhay sa pangkasalukuyan, partikular na ang sa ika-21 daantaon. ![]() BIBLIYA Ang Bibliya, Biblya (ponemikong baybay), o Biblia (mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga itinuturing na Banal na Kasulatan sa Kristiyanismo.
0 Comments
Leave a Reply. |